I remember the days when my life was calm enough na kahit ano lang pwede... walang hastle
kahit may badtripan. Wala akong ibang iniisip kundi sarili at taong-bayan. Kakain, magbibihis, aalis, mag-aaral, may exam, may group studies, may rehearsal sa teatro, mapapagod, tatambay, gabi na - uuwi, matutulog at kinabukasan, ganun ulit... paulit-ulit pero hindi nakakasawa. Masaya eh.
But that was few years ago, ang sarap magreminisce noh? Especially those times when you really need to go home but rather stay kasi masaya. Yosi... Tagay... Gitara... Videoke... Sarap!
Lately, I realized, napakabilis magbago ng panahon. Today, gan'to ka. Tomorrow, hindi mo alam kung ano ang meron. Lahat ng bagay lumilipas. Walang nakakaalam kung ano o sino ang magsa-stay. Even the most important thing or person in your life, time will come they'll fade... they'll leave you... they'll fly.
Before, sarili lang natin ang iniisip natin, but this time because we learned to appreciate even simple things. Lahat nagiging mahalaga. Hindi na tayo nag-iisip para sa sarili lang. Hindi naman tayo mabubuhay ng mag-isa. Nakakabaliw yun... diba?
Kahit nga yung paborito mong signpen pag nawalan ng tinta, naiinis ka kasi bibili ka na naman ng bago. That is exactly the point. Pwedeng itapon mo or itabi mo, pero sometimes nawawala na lang, tapos di mo na makita. But the good thing is
may naiwang ala-ala... yung mga notes mo kung saan siya yung ginamit mong pangsulat. Sarap bahasin diba? Kasi paborito mo yung pangsulat.
Parang sa totoong buhay... Pag may umalis, hindi naman talaga siya nawala eh. Kasi meron siyang iniwan... "MEMORIES." Masaya man o hindi, may ala-ala kang pwedeng balik-balikan. Diba masarap lumingon sa nakaraan? But what is essential is that we must learn to step forward, pag wala ng tinta yung signpen, marami pang signpen sa tindahan... o kaya baka may magregalo sayo ng mas magandang klase ng signpen.
Always think positive, everything happens for a reason. Umalis man si ate, mag-abroad man si kuya... Pabili ka ng signpen. Hehehehe... Everything will fall into the right place at the right time. Makakahanap din tayo ng magandang klase ng signpen. Ganun talaga, wag masyadong magdamdam sa mga taong pinili ang lumisan, dapat maging masaya na lang tayo for them because they know what's good for them and for us.
Napaka-ironic ng buhay noh, halos yata lahat ng pangyayari sa buhay natin... coincidence. Sabi ko diba, di natin alam kung ano meron bukas. Let us just enjoy what we have right now and don't think of the future. Kadalasan kasi nafufrustrate lang tayo pag hindi nangyari yung pinaplano natin in the future eh. Enjoy life... Ang sarap mabuhay!
Madami tayong friends! Msarap magbuntong hininga
kasama sila, yung malalim na malalim na buntong hininga.... Magkuwentuhan tungkol sa lumang mga tugtugin... Magkantahan, magsayawan ng walang humpay hanggang mapagod. Tapos tatagay ka ng beer sabay hitit sa yosi. Senglot na! Sumusuka na! Nakatulog ng di namamalayan! Sarap pag inabutan ng bukangliwayway. Sarap ng pagdampi sa balat ng unang sinag ng araw sa umaga. Sarap!
Malapit na ang umaga, matatanaw din ang pag-asa. Grabe. Sarap!
Recent Comments